Mga Mapanuring Tagasunod

Anong Kalokohan ito? (Ang mga walang kabagay bagay na dahilan ng may akda)

       Ang lathalang ito ay inilimbag sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na tinatawag na internet ng mapaglarong isipan ni Anginapec Torres. Ang bawat banat at mga kalokohang mababasa sa blogspot na ito ay pawang orihinal at base sa mga halusinasyon at napakamakabuluhang delusyon ng may akda kaya't kung inaaakala mong ito'y isang pinagtagpi tagping ideya ng iba't ibang mga malokong tao, pwet! este pwes! nagkakamali ka! Ang tanging hangarin nito ay makapagpangiti at makapagpaganda ng mood ng mga magaaksaya ng oras at panahon sa pagbisita sa blogspot na ito... nawa ay mag enjoy ka kung isa ka sa mga taong yun! Alam mo ba na sa bawat sampung segundo ay may mahigit liman daang tao ang natataya sa laro na langit lupa? Alam mo ba na sa bawat labinlimang segundo ay may halos siyamnapung tao ang umiiyak dahil sa masakit na pitik dulot ng kalunoslunos na pagkatalo sa taguang pung? Alam mo ba na sa bawat pitong minuto ay mayroong isang milyon apat na raan at dalawang butil ng bigas ang napoproduce ng hasyenda luicita? Kung di mo alam ang mga bagay na ito...pwet! este pwes! wag mo ng alamin! magbasa ka na lang ng mga banat at kalokohan sa blogspot na ito!


No comments:

Post a Comment